Saturday, February 11, 2012

Birthday Ko… And Yes, Mahilig Ako Sa Cake

DAHIL GUSTO KO NG CAKE...

Nakasanayan na kasi na kapag birthday ko, sa bahay lang kami nagcecelebrate.
Sobrang gusto ko kasi ng lutong bahay.
Sa totoo lang, madali akong pasayahin: pasta, fried chicken, lumpiang shanghai, lumpiang toge, iced tea, ice cream, masaya na ako diyan.
Siyempre, dapat may cake.
Oo, cake.


Text convo with my Ate/Mama (number ng nanay ko, pero yung text format parang ate ko.)

Ate/Mama: P0ng,anu dala mu pag uwi?
Me: Manok
Ate/Mama: Chicken man0k lng? Ala kng ice cream 0r keyk?
Me: Wala @.@ Hindi niyo ko binili?!? @.@ 
Ate/Mama: Asan k n b? Ice cream bili nmin e,alam kc nmin mrami k lagi keyk. 
Me: Sta ana na, ako rin nag expect. Wala kasing pasok pag Sabado… 
Ate/Mama: Sta.ana my red ribb0n,bili k na jan.

So kumusta naman ang birthday ko?

Friday pa lang birthday ko na.
May nagpadala ng sangkatutak na bulaklak (red roses).
Mmm…
Sangkatutak na para sa akin ang dalawang dosena at isang pirasong rosas.
At take note may “swarovski” ang bawat isa.
Na may kasamang MONGKEY na stuffed toy.

Nagregalo rin si Tita Crème ng libreng lunch para sa lahat ng kakilala ko.
Actually, hindi naman lahat, dalawampung libreng lunch.

Pagdating ng totoong birthday…

Ok naman siya.
Nagpaexam ako ng Math 75 Lec kaninang umaga.
Lunch sa Italianni’s with Quiming and Suma habang nagpapaexam ng Math 75 Lab.
Bwahahaha!
Nagcheck ng Math 75 Lec, tapos umuwi na rin.
Dinner with family.
Siyempre, masaya, pero nasaan ang cake?

So balik tayo sa simula?

Bakit nga sanay sila na lagi akong may cakes?

2007: 3 cakes
2008: 4 cakes
2009: 4 cakes
2010: 5 cakes

Sa limang taon kong pagtatrabaho, lagi akong nakakatanggap ng cakes mula sa students, colleagues and friends.
Kaya nakapagtataka na wala akong uwi na cakes ngayong taon.


Sa totoo lang, last year ang pinakamasaya kong birthday ever.
Well, second best I guess, yung 1985 version ang pinakamasaya siyempre.


2011:

Birthday eve with college friends (Mhay, Ann, Jello, Tonting, kasama ba si Migel?), may surprise cake na nagfail dahil nahuli ko sila na kinukuha yung cake sa baba ng Music 21 Plaza Family KTV.
Unang cake sa Birthday 2011.

Ang cake sa RH 114 care of colleagues.
Ang video na ginawa ni Weng.
At ang tarp.
Oo, ang tarp.

Pagdating sa department, may cakes ulit.
Di ko na maalala kung ilan.
Basta, bumagyo ng cake last year.

Inuman sa Ludu’s with friends (Kordie, Cheng, Pasia, Ruthie).
Walang cake, kasi sasakit tiyan naming pag nagcake pa kami di ba? Hahaha!

So anong nangyari sa cakes ngayong taon?

Ano nga ba?

Eh di bumaba ako sa Red Ribbon at bumili ng Ube Macapuno Roll.
Yun na lang yung available eh.

Ang ending, para hindi lang maputol ang tradisyon, bumili ako ng cake para sa sarili ko.
Bwahahaha!

But then again, may Monday pa pala.
Hahaha! :P

No comments:

Post a Comment